sHooT foR tHe MoON...

frustrated. unsatisfied. lost.

1.05.2006

AKO SI KALAYAAN

Ramdam ko ang lamig ng gabi
Nanunuot sa numinipis kong balat
Tagaktak ang pawis sa init ng araw
Dito sa espasyong sa hangin ay salat

Nagpupumilit makahulagpos sa mga harang
Gawa ng mga bakal na pinaitim ng panahon
Sa bawat pinagkaisang maitim na balak
Isang punyal sa likod ay nababaon

Ngayong gabi, habang nakakama sa tigas ng sahig
Inaalala ang pagtayo’t paninindigan ng marami
Nalimot na silang nag-alay ng higit pa sa buhay
Kapalit ang masilayan ko ang bukangliwayway

Kalaban ko ang kapangyarihang kinasasabikan
Balot sa gintong pinagpawisan ng aking kaanak
Sinintensyahan ng habangbuhay na pagkakasakdal
Sa paghadlang ng paglulupong na binabalak

Ako ang nasasakdal
Ako si Kalayaan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home