sHooT foR tHe MoON...

frustrated. unsatisfied. lost.

4.26.2006

Update... after a hundred years!

Last week, after one year na hindi ko sila nakita, naamoy, nakasama, nakasama rin akong lumabas with brod, yumi, isang, tzie and gboy. kumusta naman diba?! isang taon!!! nag-iba na ng trabaho si tzie, wala na pala sa dating work si isang, aalis na pala si myu papuntang states (as of now, nakaalis na xa. amishu myu! tnx sa yirbuk!) si brod ay tumaba na since the last time na nakita ko siya sa eastwud. nakakainis lang at wala si gale at si rudy. gudlak nalang sakin kung dumating pa si gale na kasama ang boylet. hayjusko!!! kumusta naman ang single for life?!

grabe, kahit na mahal ang pagkain sa serye, nag-enjoy talaga ako. iba talaga kasama mga lukaret na yun. pero nung gabing yun, parang ako ang may maraming baon na patawa. e malamang. sino ba naman di makakaipon ng kwento sa isang buong taon diba?!

pasensya na mga friends kung di ako nakasama sa inyong mag-sara's. mahirap na kasing bumagsak, mejo mahal ang tuition. ehehehe! saka mahirap ng magtagal mag-aral. hehehe! pero sana lang, wish ko lang, hindi na maulit ang isang taon na di ako nakakasama. oo na, kasalanan ko to. pero sana. sana. (myu, dalaw ka ha! hehehe!)

amishu so much guys!!! salamat! ingat ka diyan myu! brod, minsan itetext kita, at kikitain kita sa eastwud para sa yirbuk. wahehehe! isang, huy, tapusin mo na, sisiw nalang yan. tzie, asan ang billboard na ito?! wag ka ng maarte! hi gboy! oi rudy, ikaw nalang ang di nagpapakita. at least ako, nakabawi na kahit pano. ehehe! gale! bakla asan ka na?! hamishuuu!!!

1 Comments:

At 7:37 PM, Blogger mayumi said...

magkikita rin tayong lahat sa huli. walang magpapabaya ha! ingat lagi, aya. at galingan ang pag-aaral. :)

 

Post a Comment

<< Home