PUERTO GALERA! - yes, i barfed, at one time.
Isang malupit, pinakaabangan at pinaghandaang long weekend ang naganap!
Ilang linggo ko na ring hinintay ang Puerto Galera bakasyon galore c/o Engineer JP “Grand Pimp Master” Clamar. And it was super duper uber fun!!!!
Mga GEEKS:
JP – grand pimp master geek
Aya – Saturday night poker champ / barf geek (uunahan ko na kayo! Hahaha!)
Grace – “Pards, marimla na ku” ngatog -labi geek
Angela – “yeeesss!! Kakain na!!” bionic- kahit- tinabunan- na geek
Nico – “Jumbo Paaaaack!” elbow drop / The Whip geek
Maki – “samahan mo ako sa kwarto, may kukunin lang a—zzzzzzzz” / wrestling geek
Dado – Sunday night poker champ / aydana-kadami-mong-pera geek
Kiddo – pinulutan ng mga sea creatures / killjoy kinill-mo-ang-joy-namin-hayup-ka of the year geek (c/o maki hehehe!!)
Mandy – “Mandy Monday na tayo umuwi” / one-day-di-ko-sisitahin-si-aya geek
At mga super bosconian friends
Lorenz – poker tayo ulit
Ryan – taya ka naman!
Archie – straight na yun pards!
Nemis – sali ka na sa susunod
Madel – chikahan tayo next time
Saturday ng madaling araw, after a few grueling waiting hours, after ng mga kalokohan sa bus, ng makarating sa pier where they sell goods worth diamonds, isang mahaba pero nakakaexcite na ferry boat, mineet kami nila Jp at ang kaniyang mga super friends sa shores ng White Beach, Puerto Galera. Gooossshh!!!!!!!! Ansayaaaaaa!! Sayang talaga at wala ang ibang pipol.
Lakad-lakad muna. Napagod siguro ang crew dahil kami ay nagbalikan sa aming mga rooms. Pagpasok ni JP sa kwarto para mag-aya ng kumain, biglang may isang malakas na “YYYEEESSS!!!” sa isang sulok. Walang iba kundi ang ating house-bionic girl Angela! Sobrang gutom na po si bionic!!!
Sa sobrang sarap ng aming kinain for lunch, nakatulog ang lahat (except nico at maki), nagising ng mga 4, palit na ng panligo, at tuloy na sa beach. At siyempre, hindi ko sinuot ang aking mighty sleeveless because i know i wouldn’t hear the end of it. Kaya yun, t-shirt galore.
Inuman by the beach, with gays wearing skimpy clothes, dancing on tabletops, shooting Mindoro sling. Tinopak si angela, shot after shot ang ginawa sa mindoro sling. Ang mga boys ay Fundador ang hinarap. After, a little walk by the beach, tambay, kwentuhan. Tapos nagkayayaan ng magpoker. And yes, ako ang nagwagi. 2nd-tym poker champ na, sa wakas!
Sunday, pagkagising, bihis na para sa isang matinding araw nga pagligo! Wohoo! Mejo may killer news nga lang; umuwi na ang mga super friends ni JP. at si kid at si mandy ay bumili na ng mga tikets pauwi. Sayang talaga at marami kayong mga gagawin, ang saya siguro kung sabay-sabay tayong nagsiuwian ng Monday.
Habang hinihintay naming mabawasan ng konti ang init (dahil walang nagdala ng sunblock! What’s up with thaat?!), napagkwnetuhan ang mga laro nung elementary, mga kinokolektang air freshener na nanganganak. Tapos, may lumapit na nag-ooffer ng masahe at pa-braid. Hindi kami nagpamasahe at nagpabraid, pero may pinalagay kami ni gracie sa aming mga buhok. Yung parang bracelet, na inikot sa konting part ng aming buhok. Syempre tago, para di masita sa opis at sa skul. Tapos swimming na!!
Poker nyt ulit ng gabi. Agad akong natalo, kaya naidlip muna ako habang checkeroo ng checkeroo at naghe-head and folders ang mga players. In the end, dado defeated them all. And on to the bars we go. Di na kami sa may sand, katatapos lang kasi ng ulan. Tigiisang bote ng beer. Sayaw-sayaw. Nagtreat si jp ng gin/chocolate concotion. Nung una, tanggap ng tiyan ko, kahit alam kong ang gin ay sneaky sa aking katawan. After magkayayaang umuwi, nagpumiglas makawala ang gin/chocolate concotion, kaya napakain ko ang mga bibe sa likod ng kiosk ng di oras. Oo na, i barfed na. At siyempre, buong gabi akong tinuya, nilait, pinagtawanan, pinicturean ng mga pipol. Pero dahil napasaya ko sila, at napatawa nila ako kahit ganun pa man ang nangyari, ayus lang. Ayus na ayus lang.
Monday morning. Sabi nga ni nico, mahirap at walang ganang gumising ang tao kapag walang exciting na magaganap sa araw na iyon. Uwian time. Waaaaahhh!!! So after ng konting shopping, bihis, at lunch, we boarded the 12:30 ferry boat via Natividad to Batangas. Paalam Puerto Galera. Till we meet again.
Nasa bahay na ko sa Cubao ng mga 5:30-6:00 pm. Ayus-ayus ng gamit ng konti, tapos tulog. Gising time? 11:00 am of the next day. Ligo, kain, school. What’s up with thhaaaatt???!!!
I miss Puerto Galera na. Balik tayo ha!
***sana maupload na rin ang mga pics. they are to die for!!! hahahaha!!!